❗Mga Panganib
Last updated
Last updated
Bagamat ang aming paraan ng pag-iingat sa kaligtasan at ang Alpaca mismo ay audited, ang farming at pakikilahok sa DeFi ay may ilang mga panganib. Sa ibaba, tinalakay namin ang mga potensyal na panganib na nauugnay sa paggamit ng Alpaca Finance
Panganib: ang panganib ng utang na naipon ng mga posisyon sa ilalim ng dagat kung sakaling ang mga liquidator ay hindi nakapag liquidate sa oras o sa panahon na mataas na ang volatility ng merkado.
Aksyon: gumawa kami ng isang maingat na diskarte sa pagtatakda ng mga pangunahing parameter upang matiyak ang isang malaking buffer. Nagbigay din kami ng sapat na insentibo sa mga liquidator upangpangunahan at iliquidate ang naaangkop na mga posisyon. Samakatuwid, naniniwala kami na ang peligro na ito ay hindi malamang na mangyari.
Panganib: pagkaantala sa pagkuha ng naideposito na asset kung sakaling mataas ang antas ng paggamit ng pool. Mangyaring tandaan na ang mga magsasaka ay maaaring humiram ng mga pondo hangga't gusto nila at walang nakapirming termino para sa kung kailan dapat ibalik ang pondo.
Aksyon: gumagamit kami ng isang triple-slope rate ng interes upang mai-optimize ang paggamit ng pondo ng 90%. Ang matarik na pagtaas ng rate ng interes na lampas sa paggamit na 90% (lending fees sa scaling mula 20 - 150%) ay dapat na mag-insentibo ng higit pang mga nagpapahiram upang magdeposito ng mga pondo at ang mga humihiram upang ibalik ang mga natitirang pautang, dito ay mao-optimize ang pool upang manatili sa lebel na mas mababa sa 90%.
Panganib:
Kung susubukan mong magbuka ng isang malaking posisyon na nauugnay sa laki ng pool at nangangailangan ng pagpapalit, maaari kang magkaroon ng transaksyon na may malaking price impact.
Bilang halimbawa, kung ang isang liquidity pool ay USD 100 milyon, ang pagpapalit ng USD 1 milyon (1% ng liquidity ng pool) na halaga ng mga token ay magkakaroon ng ~ 4% na price impact.
Kung hindi pamilyar sa kung paano tumatakbo ang price impacts para sa forAMM, basahin dito kung paano.
Aksyon:
Buksan ang maramihang mga mas maliit na posisyon o buksan ang isang mas maliit na posisyon at magdagdag ng collateral sa posisyon na iyon sa ibang pagkakataon. Dapat kang maghintay para sa arbitrageur upang maibalik ang presyo sa normal.
Magdala ng kumbinasyon ng assets na nangangailangan ng mas mababang swapping rate, hal. kung nais mong buksan ang isang 2x na leverage sa pares ng CAKE-BNB. Nagbibigay lamang ng CAKE na token, magreresulta sa isang napakaliit na swap amount dahil ang Vault ay papautangin ka lang ng kapantay na halaga sa BUSD .
Iwasang magbukas at magsara ng posisyon sa maikling panahon.
Kapag lalabas sa malaking posisyon, piliin ang "Minimize Trading" na estratehiya upan mabawasan ang price impact sa swapping asset at trading fees.
Panganib ng (pansamantalang) pagkawala ng kapital mula sa muling pagbalanse ng asset sa pool ng Automated Market Maker ("AMM”).
Maging ang mga stablecoin pairs ay maaaring mapailalim sa pansamantalang pagkawala kung ang presyo (ng hindi bababa sa isa) ay gumalaw sa peg. Habang sa pangkalahatan, ang IL mula dito ay maliit at lumilipas, ayon sa kasaysayan, nagkaroon ng mga pagkakataon kung saan ang mga stablecoins ay nanatili sa labas ng peg para sa pinalawig na oras. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang posisyon na may malaking pagkilos, pinapalakas mo rin ang potensyal na IL sa iyong principal.
Ang pansamantalang pagkawala ay hindi natatangi sa Alpaca Finance. Karaniwan ito sa lahat ng yield farming at mga AMM. Habang kami ay kasalukuyang wala pa ring paraan upang mapuksa ng tuluyan ang IL, ang mga gumagamit ay maaaring magdesisyon na magfarm ng mga asset pairs na may mataas na ugnayan upang mabawasan ang potensyal na IL. Para sa karagdagang impormasyon sa IL, maaari kang magbasa sa artikulong ito.
Ito ay isang senaryo kung saan mas mataas ang rate ng interes sa paghiram kaysa sa iyong kita sa pagsasaka. Nangangahulugan ito na ang iyong posisyon sa utang ay lalago nang mas mabilis kaysa sa iyong halaga ng equity. Kung nagpapatuloy ito sa loob ng isang panahon, maaari nitong bawasan ang iyong halaga ng equity hanggang sa antas na nag-uudyok sa liquidation.
Maaring sanhi ng sitwasyong ito ay 1.) mataas na paggamit ng pool sa paghiram, na tumutulak sa rate ng interes sa paghiram. 2.) Isang makabuluhang pagbagsak ng presyo sa mga rewards token - hal., CAKE na nagdulot ng pagbagsak ng ani ng pagsasaka.
Subaybayan nang mabuti ang iyong mga posisyon at magkaroon ng isang plano kung ang APY ay nagiging negatibo - i.e., isara ang posisyon, maghintay magobserba, o magdagdag ng collateral sa posisyon.
Kung ang paggamit ay nananatiling mataas sa matagal na panahon, susuriin ng aming grupo ang sitwasyon at malamang na itaas ang rate ng interes sa paghiram na dapat na mas mababa ang paggamit.
Palagiang mag-ingat kapag magbubukas ng isang posisyon kung mataas ang paggamit ng pool.
Kung magbubukas ka ng isang leveraged yield farming position, ang Alpaca Finance ay manghihiram ng base asset para sa iyo upang sakahan. Pinapatakbo mo ang panganib na ma-liquidate kung ang presyo ng hiniram na asset ay tumataas laban sa pares ng farming tokens. Ang iyong posisyon ay maliliquidate kapag ang Debt Ratio (utang / position value) ay umabot sa Liquidation Debt Ratio o kilala rin bilang Kill Threshold. Tingnan ang Pool-Specific Parameter para sa higit pang impormasyon.
Maaari itong mapagaan sa pamamagitan ng paggamit ng lower leverage level, pagsubaybay sa mga posisyon sa panahon na volatile ang merkado, at pagsasara ng mga ito bago humagupit ang liquidation parameters.
Habang ang aming smart contract ay na-awdit na ng mga third-party firms, maaari silang teoretikal na magkaroon ng kahinaan.
Ang pagkakaroon ng smart contracts na na-awdit ng mga third-party firms ay nagpapababa ng kahinaan.
Makikita mo ang audit report ng PeckShield dito.
Nagpapatakbo din kami ng isang bug bounty program upang magbigay ng mga insentibo para sa mga tao na maghanap ng mga kahinaan sa aming live code bilang isang dagdag na layer upang mai-filter ang anumang mga potensyal na isyu. Marami pang impormasyon dito.
Habang ginagawa namin ang aming makakaya upang maalis ang lahat ng mga posibleng panganib, ang DeFi ay isang industriya kung saan ang mga kaganapan na hindi hawak ng tao ay maaaring mangyari (ang dreaded black swans). Kaya mangyaring huwag ipamuhunan ang iyong life-savings o assets na hindi mo kayang mawala. Subukang maging maingat sa iyong mga pondo tulad ng pag-iingat namin ang aming code. 😊
Panganib:
Aksyon:
Panganib:
Aksyon:
Panganib:
Aksyon:
Panganib:
Aksyon: