Aralin 0 - Paano Bumili ng Alpaca at Simulan ang Kumita ng Mga Yields para sa Mga nagsisimula
Ang araling ito ay para sa mga nagsisimula sa Alpaca at BSC sa pangkalahatan.
Last updated
Ang araling ito ay para sa mga nagsisimula sa Alpaca at BSC sa pangkalahatan.
Last updated
(* Tandaan: Ang artikulong ito ay hindi payo sa pananalapi, at hindi rin ito gumagawa ng anumang mga paghatol sa halaga o pagtatasa ng trend ng ALPACA. Hindi nito isinasaalang-alang ang mga diskarte sa high-end trading, currency pairs, LP TOKENs o leveraged mining. Ito ay isang tutorial lamang para sa mga nagsisimula. Ang pamumuhunan ay nagsasangkot ng mga panganib, kaya't mag-ingat ka kapag nagpasok ka ng anumang mga bagong posisyon. Salamat sa Quant-Lion mula sa pamayanang Tsino para sa pagsasama-sama nito)
Sa artikulong ito, tuturuan ka namin kung paano bumili ng ALPACA at kung paano ang Lend & Stake nang iyong mga token ng ALPACA sa Alpaca Finance upang kumita ng hanggang sa 30% yields.
Ang ALPACA ay maaaring mabili sa mga sumusunod na sentralisadong palitan (CEXes) at desentralisadong palitan (DEXes):
CEXes
Binance.com (iba sa Binance.us)
DEXes
DEX Aggregators:
Kung ito ang iyong unang foray sa DeFi, ang iyong unang hakbang (at malamang ang pinaka-mahirap na hakbang) ay upang makahanap ng isang angkop na plataporma para sa "fiat onramp", kung saan maaari magdeposito ng “fiat currencies” (hal., USD, EUR, atbp)upang bumili ng “cryptocurrencies”.
Para sa karamihan ng mga gumagamit, ang "fiat onramp" ay isang CEX (centralized exchange), tulad ng mga nakalista sa itaas, kung saan ang mga gumagamit ay dapat magrehistro ng account at sumailalim sa KYC. Ang mga “Fiat deposits” ay naisasagawa gamit ang mga “bank wire transfers” (hal. SWIFT o ACH system), debit/credit card (hal. VISA o MasterCard system), P2P markets, o iba pang mga sistema.
Dahil may mga paraan upang ilipat ang mga cryptocurrencies sa pagitan ng CEXes, hindi mo kinakailangang magdeposito ng fiat papunta sa isang CEX na may ALPACA na nakalista. Halimbawa, maaari kang magdeposito ng fiat sa isang FTX account, isalin ito sa USDT, at ilipat ang USDT sa isang Binance.com account (sa pamamagitan ng Tron network para sa $1), kung saan maaari kang bumili ng ALPACA. Mga sikat na CEXes na hindi nakalista sa itaas ay nagngangalang Coinbase, Crypto.com, Kraken, Gemini, Huobi, OKEx, WazirX, Bitfinex, Bithumb, at Bitstamp.
Bilang kahalili, mayroong ilang mga desentralisadong protocol na may isang “integrated fiat onramp”. Halimbawa, sa QuickSwap (Polygon Network), maaari kang magdeposito ng fiat sa pamamagitan ng credit card sa pamamagitan ng Transak.
Sa buod, maraming fiat onramp ang maaari mong pagpilian at ang mga ito ay patuloy-tuloy na sumasailalim sa ebolusyon, kaya maaaring mong saliksikin kung ano ang pinaka-tipid at madaling proseso para saiyo.
Gayunman, dahil ang BNB Chain ay mahigpit na isinama sa palitan ng Binance exchange (world’s largest exchange) mayroon itong mas mataas na seguridad at dami kaysa sa iba pang mga exchange, naniniwala kami na ang pinakasimpleng opsyon upang bumili ng ALPACA ay upang magrehistro ng isang Binance.com account at bumili ng ALPACA sa platform na iyon. Para magawa ito, sundin lamang ang mga hakbang:
Magrehistro ng account sa Binance. Ang proseso ng pagpapatunay ng KYC ay maaaring tumagal ng ilang araw
Magdeposito ng Fiat. On Binance, pumunta sa "Buy Crypto" sa kanang itaas. Mayroon kang tatlong mga pagpipilian:
Credit/Debit Card - Maaari mong gamitin ang iyong credit/debit card upang bumili ng iba't-ibang mga cryptocurrencies. Ang ALPACA ay wala sa listahang ito, kaya iminumungkahi namin na bumili ng BUSD (Binance's USD-pegged stablecoin)
P2P Trading - Ito ay isang marketplace kung saan maaari mong gamitin ang iba't-ibang fiat currencies upang bumili ng USDT gamit ang isa sa maraming mga paraan ng pagbabayad.
Third-party pagbabayad – Ang Binance ay nag-aalok ng tatlong third-party payment channels: Simplex, Paxos, at BANXA. Kailangan mong magrehistro ng account gamit ang mga third party channels na ito upang i-onramp ang iyong fiat sa Binance.
Bumili ng ALPACA. Sa itaas, pumunta sa Trade > Classic. Hanapin ang ALPACA gamit ang search bar at makikita mo ang magagamit na ALPACA trading pairs .Ang ALPACA ay maaaring maipagpalit gamit ang USDT, BUSD, BNB, o BTC.
Kung ikaw ay matatagpuan sa isang rehiyon kung saan hindi mo mabuksan ang isang Binance.com account, iminumungkahi namin na magdeposito ng fiat sa isang sikat na CEX na ginagamit sa iyong bansa. Kung ang CEX ay walang ALPACA na nakalista, humanap ng paraan para mailipat ang stablecoins sa isang CEX na nakalista ang ALPACA. Maaari ring ilipat ang mga stablecoins sa iyong MetaMask wallet na configured sa BNB Chain (ilalarawan sa susunod) upang maaari kang bumili ng ALPACA sa isa sa mga DEXes na nakalista sa itaas.
Ang isang "wallet" ay kinakailangan upang makipag-ugnayan sa DeFi protocol at ang pinaka-dalubhasa at nagagamit dito ay ang MetaMask. Upang bumili ng ALPACA sa isang DEX o upang ipahiram at ipusta ang iyong ALPACA upang kumita ng 30% mula sa Alpaca Finance, kakailanganin mong mag-download at lumikha ng MetaMask wallet.
1. I-download ang MetaMask at lumikha ng bagong wallet. Ang MetaMask ay isang multi-chain wallet na tumatakbo bilang isang browser extension sa Firefox, Chrome, o Brave. I-download ito dito: https://metamask.io/. Sundin ang mga hakbang upang lumikha ng isang wallet. Humanap ng paraan para matiyak na hindi mo mawawala ang iyong seed phrase. Huwag ibigay ang iyong seed phrase sa sinumang entity o tao.
2. Idagdag ang BNB Chain network sa iyong metaMask wallet. Sa pamamagitan ng default, ang MetaMask Wallet ay hindi isanasama ang BNB Chain network, kaya kailangan mong manu-manong idagdag ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga direksyon: https:// academy.binance.com/en/articles/connecting-metamask-tobinance-smart-chain
3. Ideposito ang ilang BNB sa iyong metaMask wallet. Ang BNB ay kinakailangan sa wallet upang bayaran ang mga"gas fees," na kinakailangan upang isagawa ang mga transaksyon sa BNB Chain. Bumili ng ilang mga BNB (sabihin nagkakahalaga ng $10) sa CEX. Pagkatapos, gamitin ang "withdraw" function upang ilipat ang BNB sa iyong MetaMask wallet. Maaaring kopyahin ang iyong MetaMask address sa pamamagitan ng pag-klik sa address na nakalagay sa itaas ng iyong MetaMask. Ang isang halimbawa ng mensahe ay mukhang 0xACD1f0827143502D0a763d2A23A24055DDD51023. Para sa "Network" option, siguraduhin na piliin ang "BNB Chain".
Ang isang "wallet" ay kinakailangan upang makipag-ugnayan sa DeFi protocol at ang pinaka-dalubhasa at nagagamit dito ay ang MetaMask. Upang bumili ng ALPACA sa isang DEX o upang ipahiram at ipusta ang iyong ALPACA upang kumita ng 30% mula sa Alpaca Finance, kakailanganin mong mag-download at lumikha ng MetaMask wallet.
1. I-download ang MetaMask at lumikha ng bagong wallet. Ang MetaMask ay isang multi-chain wallet na tumatakbo bilang isang browser extension sa Firefox, Chrome, o Brave. I-download ito dito: https://metamask.io/. Sundin ang mga hakbang upang lumikha ng isang wallet. Humanap ng paraan para matiyak na hindi mo mawawala ang iyong seed phrase. Huwag ibigay ang iyong seed phrase sa sinumang entity o tao.
2. Idagdag ang BNB Chain network sa iyong metaMask wallet. Sa pamamagitan ng default, ang MetaMask Wallet ay hindi isanasama ang BNB Chain network, kaya kailangan mong manu-manong idagdag ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga direksyon: https:// academy.binance.com/en/articles/connecting-metamask-tobinance-smart-chain
3. Ideposito ang ilang BNB sa iyong metaMask wallet. Ang BNB ay kinakailangan sa wallet upang bayaran ang mga"gas fees," na kinakailangan upang isagawa ang mga transaksyon sa BNB Chain. Bumili ng ilang mga BNB (sabihin nagkakahalaga ng $10) sa CEX. Pagkatapos, gamitin ang "withdraw" function upang ilipat ang BNB sa iyong MetaMask wallet. Maaaring kopyahin ang iyong MetaMask address sa pamamagitan ng pag-klik sa address na nakalagay sa itaas ng iyong MetaMask. Ang isang halimbawa ng mensahe ay mukhang 0xACD1f0827143502D0a763d2A23A24055DDD51023. Para sa "Network" option, siguraduhin na piliin ang "BNB Chain".
c.Ilagay ang halaga ng BUSD na nais mong gastusin o ang halaga ng ALPACA na nais mong bilhin. Ang rate ng palitan ay lilitaw sa ibaba ng swap interface.
d. Pindutin ang "Swap". Lalabas ang buod ng mga kondisyon ng transaksyon. Kung nasiyahan, i-klik ang "Confirm Swap". Ang MetaMask ay mag-uudyok sa iyo na kumpirmahin ang transaksyon. Pindutin ang "Confirm". Ang ALPACA ay nasa iyong pitaka na.
e. Ang mga bagong token ay hindi awtomatikong natitingnan sa iyong MetaMask wallet. Kailangan mong manu-manong idagdag ang bawat token sa iyong wallet upang tingnan ang kanyang balanse. Para magawa ito, mag-scroll papunta sa ibaba ng iyong MetaMask at pindutin ang "Magdagdag ng Token". Ipasok ang token address, na matatagpuan sa bscscan.com (hanapin ang "ALPACA" at pindutin ang token address nito para kopyahin ito). Pindutin ang "Next" at pagkatapos ay pindutin ang "Magdagdag ng mga Token". Ngayon, maaari mo nang makita ang balanse ng iyong ALPACA.
(Ang unang transaksyon ay kasangkot ng ilang karagdagang mga aksyon, tulad ng pagaapbruba ng token. Ang MetaMask ay magkakaroon ng isang popup upang payagan ang PancakeSwap upang ma-access ang iyong wallet. Para sa mga transaksyon sa hinaharap, hindi ito kailangan.)
Kapag mayroon kang ALPACA sa iyong wallet, maaari mo na ngayong Ipahiram / Stake ang iyong ALPACA sa Alpaca Finance upang kumita ng hanggang sa 30% na bunga. Sa Lending, ipapahiram mo ang ALPACA sa mga gumagamit na gustong humiram ng mga ito para sa mas malawak na pagsasaka. Ang mga borrowers na ito ay nagbabayad ng interes, na kung saan ikaw bilang lender, kumikita ng karamihan.
Sa Staking, ang Alpaca Finance ay nagbibigay ng gantimpala sa lenders sa pamamagitan ng pagbibigay ng ALPACA tokens bilang insentibo sa partisipasyon sa platform. Mas marami pang mas nakatataas na pagpipilian na pamamaraan sa pagkita gamit ang ALPACA tokens, ngunit ang “lend” at “stake” ang pinaka-simple dito. Kaya naman sa ngayon ay ito ang ituturo namin saiyo. Upang magawa ito, sundin ang mga hakbang na ito:
Pumunta sa Alpaca Finance’s Lend page.
I-konekta ang iyong MetaMask wallet (siguraduhing nakalagay ang iyong network sa Smart Chain)
Pindutin ang “Deposit” sa Alpaca Vault
Tukuyin ang halaga ng gusto mo ideposito at pindutin ang “Confirm”
Pagkatapos pindutin ang kompirmasyon, maaari kang makatanggap ng isang pop-up notification sa iyong MetaMask upang tanggapin ang transaksyon. Pindutin muli ang “Confirm” at hintaying maproseso ang transaksyon. Maaring kailangan mo itong gawin nang dalawang beses upang kumpirmahin ang aprubal kung ito ang una mong transaksyon.
Kapag nadaanan na ang transaksyon, awtomatiko kang tatanggap ng interest-bearing ALPACA (ibALPACA) sa iyong wallet.
Ang ibALPACA ay kumakatawan sa iyong bahagi sa pautangan, at ang interes ng iyong pagpapahiram at awtomatikong naiipon sa kanila. Iyon ay, ang halaga ng ibALPACA ay nagdaragdag sa paglipas ng panahon sa parehong rate ng Lending APR. Ito ay kung paano mo kikitain ang base interes ng pagpapahiram mo. (Tingnan ang higit pang impormasyon sa mga ibTokens dito).Kapag ikaw ay bumawi ng pera mo kalaunan ay mapapansin mong tumaas ang halaga ng iyong ibALPACA kaparehas ng ALPACA.
Pumunta sa Stake page.
Pindutin ang ibALPACA vault upang buksan ito
Tukuyin ang dami ng tokens na nais mong i-stake at pindutin ang “Stake”
Pagkatapos pindutin ang “Stake”, maaari kang makatanggap ng isang pop-up notification sa iyong MetaMask upang tanggapin ang transaksyon. Pindutin muli ang “Confirm” at hintaying maproseso ang transaksyon. Maaring kailangan mo itong gawin nang dalawang beses upang kumpirmahin ang aprubal kung ito ang una mong transaksyon.
Ikaw ay kumikita na ng ALPACA rewards! Maaari mong makuha ang mga ito kahit kailan.
*Siya nga pala, ang lending at staking ay walang sinisingil na “deposit fees”. Ngunit isang tukoy na halaga ng gas charges ang sisingilin sa bawat transaksyon sa BNC na pumapatak lamang sa $0.20 bawat transaksyon depende sa halaga ng BNB.