Aralin 4 - Paano Isara at Buksan ang Iyong Posisyon w/ 0 Swap Fees
Last updated
Last updated
Ito ay isang mahusay na Teknik subalit hindi komplikado. Ang tanging kailangan sa paggawa nito ay pagreseba ng kaunting kapital. Hangga't mayroon ka nito, hindi magtatagal ay mabubuksan at maisasara ang mga farming positions na walang bayaring pangkalakalan (trading fees) at price impact.
Bilang paunang salita, ating alamin kung paano ang swapping kapag nagkakaroon ng opening at cloing sa isang leveraged position. Kung ito ay iyo nang naunawaan, maaaring magpatuloy na sa susunod na bahagi.
Kapag nagbubukas ng isang farming position gamit ang >2x na leverage, ikaw ay humihiram ng mas maraming tokens higit sa iyong deposito bilang collateral. Sa kadahilanang ang integrated DEX sa iyong farming ay nangangailangan ng tokens mula sa iyo na mayroong 50:50 na hatian, Ang Alpaca ay nangangailangang mag swap ng bahagi ng borrowed tokens into non-borrowed tokens upang masunod ang nasabing hatian.
Gayundin, kapag nagsasara ng isang position na may >2x na leverage, nangangailangang gawin ito ng Alpaca sa reverse upang mabayaran ang mga nahiram na tokens. Kaya naman tinatanggal ng protocol ang liquidity at nag-swap ng ilang non borrowed token into borrowed tokens, at ibinabalik ang mga hiniram na token sa lending pool. Ang sumusunod ay isang halimbawa:
Nagdeposito si Joe ng 10k BUSD bilang collateral sa loob ng BUSD_USDT pool at piniling magbukas ng 4x leveraged yield farming na position. Siya ay humiram ng USDT.
Nagpautang ang protocol sa kanya ng 30k USDT. Ngayon, siya ay may hawak na 10k BUSD + 30K USDT, subalit kailangan niya ang mga ito na mayroong 50:50 na hatian. Kaya ang Alpaca ay nagbenta ng 10K USDT -> BUSD, na nagreresulta sa 20k BUSD + 20k USDT ang kanyang magiging position value.
Sinimulan na ni Joe ang farming at pag-ipon ng kanyang yields.
Ilang araw sa hinaharap, napag-isipan ni Joe na isara ang kanyang position. Mayroon syang utang sa Alpaca ng 30k USDT (mayroon din syang naipong borrowing interest ngunit hindi na ito isasama upang mapadali ang halimbawang ito) subalit and position ni Joe ay mayroong 20k USDT + 20k BUSD. Bilang resulta, kinailangang magbenta ng Alpaca ang 10k BUSD pabalik sa USDT, na magbabalik sa kanyang position sa 10k BUSD + 30K USDT.
5. Nagbayad pabalik ang Alpaca ng 30k USDT mula kay Joe patungo sa lending pool at isinara ang kanyang position. Nakatanggap siya nf 10k BUSD + yields na naipon nya sa panahong iyon.
Madali lang diba? Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon para kay Joe, bawat isa sa mga swap na iyon ay may mga bayarin: trading fees at price mpacts. Habang mayroong maliit na porsyento na naidagdag sa kanyang 10k na collateral, sa mga malalaking positions ay maari itong magkaroon ng malaking halaga.
Sa kabutihang palad, maai naming maituro sa lahat kung paano maiwasan ang mga swap fees sa tuwing nagbubukas at nagsasara ng positions! Ito ay possible dahil sa dalawang bagong features na naidagdag:
Partial Closing: Maari ka ng mag-alis collateral mula sa isang position habang may option na magbalik ng ilang pagkakautang (debt) or hindi. Kadaragdag lamang ng feature na ito.
Adjust Position: Maari ng magdagdag collateral sa isang bukas na position, habang may option na humiraw ng mas maraming pondo upang mapanatili ang iyong leverage, o hindi. Kadaragdag lamang nito ilang lingo lamang ang nakakaraan
Ngayon ay ipapakita naming kung paano gamitin ang dalawang features na nabanggit sa pagbukas at pagsara ng mga positions na walang bayad.
Sabihin nating nais mong mag deposito ng 10k BUSD sa isang BUSD-USDT farming position gaya ng ginawa ni Joe kanina, gamit ay 4x leverage at borrowing USDT.
Isang tuwid na pamamaraan ay ang pagdeposito ng 10K BUSD at paghiram ng 30k USDT. Sa pagtakda ng protocol, magkakaroon ng pagswap sa 10k USDT-> BUSD upang magkaroon ng 50:50 na hatian. Subalit, gaya ng ginawa ni Joe kanina, magkakaroon ka ng trading fees and price impact costs
Madali lamang ang pag-iwas sa mga nasabing bayarin. Nasasangkot dito ang paggamit ng Partial Closing feature. Dito, nangangailangan ka ng ilang dagdag na kapital. Magkanong paunang dagdag kapital ang iyong kakailanganin ay eksaktong ganoon din ang bilang ng pondo na gusto mong hiramin mula sa protocol ng iyong napiling position, subalit sa non-borrowed asset. Sa kasong ito, ikaw ay manghihira ng 30K USDT at 4x. Kaya, ikaw ay nangangailangan din ng 30K BUSD upang makapagbukas ng 4x position na may 10K BUSD collateral ng walang babayaran.
(1) Ngayon, ay iyong gagawin ay manghiram ng parehong 30K USDT, subalit magbubukas ng position at 2x. Sa madaling salita, ang iyong starting position ay magiging 30K BUSD collateral + 30k USDT borrowed.
At 2x, hanggat ikaw ay nagdedeposito ng 100% ng iyong collateral bilang non-borrowed asset (BUSD), at kapag umutang ang protocol s aiyo ng borrowed asset (USDT), walang swap fees ang kakailanganin dahi ang mga token ay magkakaroon na ng 50:50 ratio
Subalit, ito lamang ay ang unang hakbang. Kung sabagay, nais mo ng 4x position diba?
(2) Pagkatapos mabuksan ang iyong position, ang susunod na kailangang gawin ay pindutin ang close position sa Your Positions na dashboard
Doon, maaring gamitin ang bagoong Partial Closing feature sa tuktok sa kaliwang bahagi. Siguraduhin ring ang iyong pinipindot ay ang Minimize Trading strategy
(Isang bagay na mahalagang matandaan ay kapag ang iyong position ay nabuksan na, Ititigil ng protocol ang differentiating sa pagitan ng collateral na naidagdag at mga token na iyong hiniram. Ito ay mahalaga para sa susunod na hakbang)
(3) Sunod, na walang karagdagang paghiram(borrow), ikaw ay mamimili na mag-alis ng 33.33% ng iyong Position Value (20K total: 10K BUSD + 10K USDT) hanggang ang matira sa iyong position ay 20K BUSD + 20K USDT. Ang mga numero ay bahagyang hindi magtutugma dahil ang BUSD:USDT ay hindi saktong 1:1 sa position opening. Mas marami ng bahagya ang USDT kaysa BUSD habang ginagawa ang pagtuturo na ito.
(4) Piliin ang “ not to pay back any debt” na pagpipilian.
Base na rin sa iyong makikita sa ibaba gawing kanan, ang iyong position ay magiging malapit sa 4x, na mayroong onting pagkakaiba na resulta ng pagrounding at asset price movements habang ginagawa itong pagtuturo.
Ang pinakamahalagang bahagi, ay upang maisagawa ang nasabing partial close sa ganitong pamamaraan at i-convert ang position sa 4x, wala kang babayaran na swap fees!
Dahil sa iyong aalisin ang collateral sa 50:50 na hatian at ang iyong natitirang position ay magkakaroon ng 50:50 na hatian, walang swap ang mangyayari. Bilang resulta, ang iyong position ay magiging eksaktong pareho halintulad sa pagbukas nito sa pamamagitan ng pagdeposito ng 10K BUSD at paghiram ng 30K USDT, na magpapahintulot sa protocol na magswap ng 10K USDT -> BUSD para sa iyo. Magkakaroon ka rin ng eksaktong haba/ikli ng exposures. Maliban sa ngayon, walang magaganap na swaps! Bubuksan mo ang position na ito na walang trade fees at walang price impact!
Astig diba? So ano pa ang hinihintay mo? Sige lang at pindutin ang Close Position button sa baba gawing kanan!
Sa sandaling natapos mo ang hakbang na iyon, Pagbati! Nakapagbukas kana ng 4x position na walang swap fees.
Ngunit, maaaring alam naming ang iniisip mo:
Ok, I’m in this position and that’s great, but won’t I still have to pay swap fees when I pay back the 30k USDT?
Ang sagot ay hindi! Hindi mo na ito kailangan kung gagawin mo ang saktong mga hakbang sa itaas, ngunit sa kabaliktaran na pagkakasunod nito!
Pagpapatuloy mula sa naunang position, ikaw ay nasa 4 BUSD-USDT position kung saan nagdeposito ka ng 10K BUSD bilang collateral. Ang iyong position ay mayroong 20k BUSD + 20k USDT, ngunit may utang ka sa protocol ng 30K USDT>
Hindi ka na maaaring gumamit ng partial closing upang maalis ang collateral dahil ikaw ay nasa max leverage na. Karaniwang ikaw ay magsasara na ng buong position dito. Ngunit kapag direktahan itong isinagawa, kailangang magbenta ng protocol ng 10K BUSD -> USDT upang magkaroon ng 30K na kailangan nito upang mabayaran pabalik ang lending pool.
Anong maaari mong gawin?
Ang sagot ay: sundin ang parehong proseso gaya ng pagbubukas mo ng position ng walang swap fees, ngunit sa pabaliktad na pamamaraan. Ang tanging pagkakaiba sa pagkakataong ito ay sa halip na Partial Closing ang gagamitin, atin namang gagamitin ang feature na tinatawag na Add collateral.
(1) Ito ang mga gagawin. Sa iyong Positions dashboard, pindutin ang Adjust Position button.
Ngayon, ang susunod na hakbang ay ibalik ang iyong position 4x -> 2x leverage. Isang simpleng paraan na maaring gawin ay magdagdag ng collateral. Sa sandaling iyon, mayroon kang 10K BUSD collateral ( Equity Value) at manghihiram ng 30K USDT sa isang position na may kabuuang 40K ang halaga. Kaya ang kailangan mong gawin ay magdagdag ng collateral hanggang sa umabo ito ng 30K + 30K na hiram, at may kabuuang Position Value na 60K ang halaga ( Mapapansin na pareho ito sa kung paano ka nagbukas ng unang position sa naunang bahagi 😉)
Kailangan mong siguraduhin na magdagdag ng kaparehong halaga ng collateral sa parehong assets upang mapanatili ang 50:50 na hatian o kakailanganing magsagawa ng protocol ng swaps. Mula sa naunag bahagi, kung mananatili sa iyo ang 10K USD + 10K USDT na iyong binawi sa iyong position, ito ay magkakaroon ng malaking kapakinabangan sapagkat iyon ang eksakto sa iyong pangangailangan.
Kaya magdagdag ng collateral na 10K BUSD + 10k USDT, na walang hinihiram na kahit ano, at ang itong position ay magiging 30K BUSD + 30K USDT – isang 2x position
(2) Sa ngayon, ang kailangan na lamang gawin ay pindutin ang Back button. Tapos, pumunta sa Close Position at fully close ang iyong 2x position gamit ang Minimize Trading, at magreresulta ito ng walang swap fees!
Pagbati! Ikaw ay nakapagbukas at nakapagsara ng leverage yield farming position, at naipon ang ganong kalaking halaga ng yields na walang karagdagang bayad!
Paano kung nais kong magbukas o magsara ng 4x position na may 10K BUSD collateral at walang bayad subalit wala na akong panibagong 20K na karagdagang stablecoins?
May solution din sa problemang iyan, o di kaya konting pag-areglo. Sabihin nating mayroon ka na lamang natitirang 10K BUSD. Upang mapakinabangan ang halos lahat ng iyon sa 4x positions sa walang karagdagang bayad, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
Kahalintulad sa pagsunod ng mga naunang proseso, magbukas ng 4k position na walang bayad na may kasamang 3k BUSD collateral ( 9k ang kabuuang kailangan, pagkatapos 6k ang matitira)
Magbukas ng 4x position na walang fees na may kasamang 1.3k BUSD collateral (3.9k ang kabuuang kailangan, pagkatapos 2.7k ang matitira)
Open a 4x position without fees with 1.3k BUSD collateral(3.9k total required, 2.7k remaining after)
At iba pa..
Kalaunan, na-deploy na ang malaking bahagi ng iyong 10k sa 4x positions. Upang maisara ang mga ito, gawin lamang ang trabaho nang paatras, isara muna ang mas maliliit na positions habang lumalaga ang iyong spare capital at kalauna’y maisasara mo na ang lahat ng ito.
Ang iba sa inyo ay maaaring napansin ang isang problema sa pagitan ng hakbang 1 at 2 na kung saan kapag natapos mo na ang unang hakbang, magkakaroon ka ng 3K BUSD at 3k USDT. Since kailangan mo ng 6k BUSD, paano ito mangyayari?
Mayroong ilang pamamaraan upang resolbahin ang ganitong sitwasyon kung nais mong mapababa ang iyong swap fees.
Una, maaari kang mag swap tables ng mura sa isang stablecoin exchange gaya ng https://belt.fi/. Ang isang stablecoin exchange gaya nito ay mayroong mas mababang trading fees kaysa DEX tulad ng PancakeSwap.
Para sa ibang tokens, maaari mo silang itrade sa centralized exchanges kung ikaw ay may ganap na kagaustuhang makakuha ng pinakamurang rates, o gumamit ng decentralized aggregator gaya ng 1 inch at hati-hatiin ang iyong trades sa maliliit na bahagi.
Kung wala kang ganap na kagustuhan na makipagtrade, ang isang pamimilian na maaaring gamitin ay paggamit ng mas maliit na halaga para sa hakbang 2; Maaari kang gumamit ng 1k BUSD bilang collateral,.at pabababain ang laki ng iyong follow up positions sa 1/3 bahagi ng naunang transaksyon.
Syempre, sa paraang ito, ikaw ay magkakaroon parin ng hindi nagamit na USDT, subalit magagamit mo ang kalahati ng iyong kabuuang kapital kaysa sa 1/3. Sa senaryong ito, gamit ang natitirang USDt, maaari kang magbukas ng isang BUSD-USDT position sa pamamagitan ng paghiram ng BUSD. Maaring medyo nakakapagod ang ganitong pamamaraan ng pagpapalit, subalit kung nais mong mawalan ng spare capital at wala kang ganap na kagustuhang magbayad ng swap fees, ito ang maaari mong gawin.
Sa ngayon, naipakita namin sa iyo kung papaano magbukas at magsara ng positions na mayroong kahit anong laki na walang fees. Ang iba sa inyo ay maaaring iniisip na:
Ayos to! Subalit bakit hindi awtomatikong ipinoproseso ito ng Alpaca para sakin?
Ang kasagutan diyan ay: Hindi naming maaaring gawin ito dahil ang pagsagawa nito ay nangangailangan ng karagdagang kapital at hindi kaya ma-access ng protocol; ang kapital na ito na matatagpuan sa iyong pitaka. Kung sabagay, kami ay desentralisado at hindi tagapangalaga. Kaya maaari lamang naming ituro sa iyo kung paano ito gagawin sa iyong sarili. Subalit,ayon na rin sa iyong nakikita, hindi ito kumplikado. Nangangailangan lamang ito ng kaunting pondo sa iyong mga kamay, o kahit walang karagdagang pondo kung handa kang magsagawa ng ilang karagdagang hakbang. Tapos, maaari ka ng magkaroon ng positions of any size, na walang entry or exists at mataas na farm yields!
Bukod sa pagbukas at pagsara ng positions na walang fees, gamit ang pamamaraan ng pagdagdag at pagalis ng collateral gamit ang 50:50 ratio ay isa ring paraan upang mabalanse muli ang iyong positions sa kagustuhang leverage level.
Malaki ang magiging kapakinabangan nito, kung halimbawa ikaw ay gumagamit ng pseudo delta-neutral strategy
Kaya sana ay nagustuhan niyo ang gabay na ito kasama ang mga bagong features nito. Gumagawa rin kami ng mga paraan upang mas mapadali ang mga ganitong klaseng proseso. Sa ngayon, happy farming