Aralin 5 - Ang Totoo Tungkol sa Impermanent Loss at mga Karaniwang Hindi Pagkakaintindihan
Last updated
Last updated
Impermanent Loss.. wika ng pangamba. Nabasa mo na, nainig mo na ang tungkol dito, ngunit naintindihan mo ba talaga ito? Sa artikulong ito, kaming mga senior alpacas ay magbibigay ng aming pahayag sa paksang nagbibigay pangamba sa lahat ng yield farmers. Kaya, ilagay ang inyong reading glasses at ating tuklasin ito ng magkasama.
Ang Impermanent Loss (IL) ay buhat sa resulta ng asset rebalancing ng Automated Market Maker (AMM) dahil sa pag-diverge ng mga presyo ng assets (tokens) sa LP position mula sa kanilang starting ratio sa kanilang isa’t isa. Ang IL ay isang pagkawala ng equity ng isang asset sa isang LP kapag kinumpara sa paghawak lamang ng isang asset nang mag-isa.
Naintindihan mo ba ang mga nabanggit? Wag mag-alala, tayo’y maglakbay sa isang simpleng halimbawa nang magkasama upang mas maunawaan at malinaw ang kahulugan nito.
Ipagpalagay nati na si Alice ay mayroong 10 BNB at 3,200 BUSD at nagdesisyong magbigay ng liquidity sa ilalim ng BNB-BUSD LP pool. Upang mapadali, ipagpapalagay natin a 1 BNB = 320 BUSD na magreresulta sa kanyang assets na eksaktong 50:50 ang magiging hatian, bagay na mahalaga para sa LP.
T=0 (time period =0, starting time)
Alice’s asset= 10 BNB + 3,200 BUSD =6400 BUSD worth
Ilang panahon ang lumipas at umakyat ang halaga ng BNB sa 25% ( 1BNB+ 400 BUSD). Dahil ang kanyang assets ay nasa LP pool habang nagaganap ang nasabing pagbabago sa presyo, sila ay na re-balanced upang mapanatili sa 50:50 na hatian ang BNB:BUSD. Kaya naman ang kanyang assets sa pool ay naging:
Farming in LP
T=1
Alice’s assets = 8.94 BNB + 3577.71 BUSD = 7,155.42 BUSD worth
(8.94 * 400 = 3,577.71 * 1)
Bilang kabuuan, nakalikha si Alice ng kabuuang kita na 7,155.42 – 6,400 BUSD= 755.42 BUSD
Ang pagkakaroon ng kita ay laging maganda, subalit bakit may ilang tao na nagrereklamo ukol sa Impermanent Loss sa gantong uri ng senaryo? Nasaan ang Nawala? Atin itong ikumpara sa kung ano sana ang nangyari kung hindi iniliagay ni Alice ang kanyang mga assets sa LP pool at kung inilagay niya lamang ito sa kanyang sariling pitaka mula t=0 hanggang t=1
Held in wallet
T=1
Alice asset’s= 10 BNB + 3,200 BUSD = 7,200 BUSD worth
Kaya naman sa pamamagitan ng pagkakalagay nito sa LP position, Nawalan si Alice ng kabuuang 44.58 BUSD, na 0.62% mas mababa kung hinawakan na nya lamang ang kanyang assets mag-isa. Ang 44.58 BUSD naitalang pagkakaiba ay isang halimbawa ng Impermanent Loss.
Maaaring nakakita ka na ng chart kagaya ng nasa ibaba na nagpapakita ng epekto ng Impermanent Loss habang tumatakbo ang presyo mula sa iyong entry. Sa una, mukhang nakakatakot ang nasabing chart, na nagpapapakita ng isang steep curve papuntang kaliwa na bumababa hanggang umabot sa 100 %!. Subalit, kung titingnan ng mas Mabuti, maaari nating mapakahulugan na ang IL ay hindi naiiba sa ibang klase ng mga panganib sa pag-iinvest kung saan kung mayroong kang maayos na pag-unawa sa mga panganib at pulidong game plan, maaari mong mapagaan ang anumang maaring pagkawala at dalhin ang mga nasabing panganib sa mas katanggap tanggap na mga hangganan ng epekto nito.
Ating mas bigyang pansin ng kaunti sa IL chart at isaalang-alang lamang ang saklaw ng presyo malapit sa iyong entry point ( chart sa ibaba). Ang dalisdis (slope) sa region na ito ay masasabing kalmado. Sa totoo lang, ang Impemanent Loss ay nananatiling <2% hanggat ang mga relative prices ng iyong asset sa iyong LP pair ay nanatili sa loob ng 50% ng iyong entry.
Sa madaling salita, ang IL ay talaga namang hindi malaking kadahilanan sa panandalian lamang, or kahit sa katamtamang panahon na may kaunting pabagu-bago sa mga tokens. Ito ay isang bagay na mahalagang magkaroon ng kamalayan, subalit hindi nangangahulugang kailangang katakutan, hangga’t mayroon kang malalim na pang-unawa ukol dito. Sa ngayon ay narito kami upang magbigay tulong sa iyo.
Isang karaniwang suhestiyon na nakikita nating paulit-ulit sa mga basahin ay ang hindi pag-alis sa LP positions ng mga user’s para maiwasan na maging permanente ang Impermanent Loss.
“Wait until the exchange rate returns to the initial rate before removing your LP position.”
Subalit ang pahayag na ito ay nakaliligaw. Walang pinagkaiba ang suhestiyong ito sa mga wika ng stock traders na nagsasabing, “It’s not a loss until you sell “( Hindi ito kawalan hanggat hindi pa naibenta). Sa katotohanan, walang milagro sa LP position na magdudulot sa pagiging mas “impermanent ng isang loss kumpara sa ikaw ay may hawak na isang stock na bumaba na ang preso magmula na ito’y mabili. Sa parehong pagkakataon, ang prices ay nangangailangang bumalik sa iyong entry point para mabawi ang nasabing pagkawala.
Bilang patunay na ang pag-alis ng liquidity sa isang LP ay walang epekto sa Impermanent Loss, isipin ang mga sumusunod na senaryo. Kung ang mga prices ng iyong assets sa iyong LP position ay nagshift at ikaw ay nakaipon ng ilang Impermanent Loss, maaari mong alisin ang liquidity mula sa iyong LP position. Ito ang maaaring ipayo sayo ng mga may akda ng aforementioned na kasabihan, na nagsasabing ang “Nawala” ay manananatiling permanente.
Subalit, kung ikaw ay nagtanggal ng liquidity mula sa iyong LP, ikaw ay maari nang magdagdag muli ng liquidity na iyon pabalik sa parehong hatian ng mga tokens, at matagpuan ang iyong sarili sa eksaktong parehog posisyon bago mo inalis ang liquidity. Kaugnay sa iyong mga naunang entry prices, ang iyong Impermanent Loss ay hindi magbabagp. Kung ang prices ng iyong assets ay bumalik sa kanilang pinaggalingan sa first entry, ang iyong Impermanent Loss ay magiging 0. Pano ito naging possible kung sa pag-alis ng liquidity, ang iyong Impermanent Loss ay magiging permanent? Ang sagot ay hindi.
Bilang karagdagan, kung inalis mo ang liquidity at hinawakan ang mga tokens sa labas ng LP, at ang kanilang mga presyo ay bumalik sa kung nasaan sila sa iyong first entry, Sa totoo lamang, ikaw ay nakaipon ng mas Malaki kaysa “recovered Impermanent Loss”. Ito ang dahilan kung bakit ang Impermanent Loss ay isa talagang “maling pagkakamali”, at mayroon pang ibang mas angat na frameworks kung saan maari mong tingnan bilang konsepto o gabay.
Kami ay nagmungkahi ng ibang alternatibong paraan upang tingnan an Impermanent Loss na magbibigay liwanag sa mga paraang maaring magamit ang IL sa iyong kalamagan.
Ang asset rebalancing ay dahilan ng pagkakaroon ng Impermanent Loss, subalit paano gumagana ang asset rebalancing? Ang katotohanan dyan ay maaaring mas madali kaysa sa iyong naiisip. Sabihin nating mayroon kang isang LP pair ng BTC-BNB sa panimulang ratio ng 50:50 sa entry. Ang aktwal na presyo ng mga assets ay hindi importante kung isinasaalang-alang ang asset rebalancing, kundi ang kanila lamang relative price sa isa’t isa. Sa halip na 50:50, ating padaliin ang hatian sa 1:1
Kung ang BTC price ay mas tumaas ng 10% relative kumpara sa BNB price, magbubunga ito ng panibagong 1:1:1 na hatian bago ang asset rebalancing.
Ngayon, ang AMM ay nangangailangan na mai-rebalance ito sa 1:1, paano ito gagawin? Simple lang: ito’y nagbebenta ng BTC at bumibili ng mas maraming BNB hanggang ang value ratio nito ay maging 1:1. Habang patuloy na tumataas ang BTC price relative sa BNB, ang AMM ay magpapatuloy sa pagbebenta ng BTC at pagbili ng BNB. Kapag ang presyo ng BTC ay bumaba relative sa BNB, gagawin ng AMM ang kabaliktaran; ito’y magbebenta ng BNB at bibili ng BTC
Maaaring isipin ng traders sa kanilang sarili na ito ay mukhang pamilyar sa kanila , at ito ay mayroong magandang rason. Ito ay kahalintulad sa isang stratehiya na kadalasang ginagamit ng mga traders na tinatawag na dollar cost averaging (DCA, or averaging). Bilang pagbibigay halaga, ang ginagawa ng AMM ay isang DCA sa iyong mga tokens.
Kapag tumaas ang BTC price relative sa BNB, gaya ng halimbawang ibinigay kanina, Ang AMM ay DCA na ibinebenta an iyong BTC position. Habang bumabagsak ang relative presyo ng BTC, ang AMM ay DCA na bumibili, at nagtataas ng iyong BTC position. Ngayon na malinaw na ang bagay na iyon, Isang panibagong tanong ang lumalabas; dahil sa ang stratehiya na ito ay kadalasang gamit ng mga traders, maari bang magamit ang AMM’s asset rebalancing bilang trading strategy? Ang sagot ay oo!
Kunwari, ang iyong layunin ay makalikom ng BTC at ikaw ay may nais na bumili ng mas marami kung bumaba ang presyo nito dahil sa tingin mo ay ang presyo nito ay tataas sa pangmatagalang panahon at naniniwalang ang crypto ay ang hinaharap ng pananalapi ( sino ba namang hindi 😎). Sa halip ng paghawak ng salapi at pagbili ng mga order sa mabababan halaga, isa pang paraan upang maabot ang layuning ito ay maglaan ng liquidity sa isang BTC- stablecoin LP pair. Dahil sa asset rebalancing na nangyayari sa LP pool, ang iyong LP pool, ang iyong position ay makakaipon ng mas maraming BTC ng mag-isa habang bumababa ang BTC prices! Ang iyong LP position, sa pamamagitan ng AMM’s algorithm, ang gaganap ng dollar cost averaging, at bibili ng BTC sa mas mababang halaga para sa iyo!
Totoo na ang iyong average buying cost ay hindi magiging kasing ganda ng “catching the bottom”. Subalit, kung magiging tapat sa ating mga sarili, ilan bas a atin ang tunay na may kakayahang pamahalaan ang isang “catch the bottom“sa lahat ng pagkakataon? 😅
Ang paggawa nito sa pamamagitan ng LP’ing ay nakikita bilang awtomatikong pamamaraan na naisasagawa habang ikaw ay natutulog, at maiiwasan nito ang pagsagawa ng guesswork kung nasaan ba talaga ang tinatawag na bottom. Pinaka importante sa lahat, ikaw ay makakaipon ng yields sa lahat ng oras na iyon! Ito ang dahilan kung bakit ang yield farming in LP positions ay isang magandang stratehiya para sa baguhan hanggang katamtamang karanasan ng isang trader na may pangmatagalang investment horizon!
Bilang suplemento sa nasabing stratehiya, gusto din naming magpakilala ng bagong konsepto sa pamamagitan ng pagbibigay suhestiyon na kung naniniwala ka na ang presyo ay bottomed, mas Mabuting lisanin na ang LP at magdulot ng “Impermanent Loss” dahil ikaw ay makakatanggap ng mas maraming BTC’s price habang mas tumataas din ang presyo nito sa mga susunod!
Ating tuklasin kung paano ito gumagana sa pamamagitan ng isang halimbawa.
Halimbawa:
Si Bob ay mayroong 1 BTC at 40K BUSD sa pagmamay-ari at napagpasyahang magbigay ng liquidity sa ilalim ng BTC-BUSD LP pool. Upang mapadali, ating ipagpalagay na kunwari ay 1 BTC = 40K BUSD sa panahong iyon kaya ang kanyang mga assets ay eksaktong 50:50 ang hatian sa pagbibigay ng LP.
t=0
Bob’s assets=1BTC + 40,000 BUSD = 80,000 BUSD worth
Ilanga raw ang nagdaan at ang BTC price ay bumaba sa 30k BUSD
T=1
Bob’s assets + 1BTC + 34,641 BUSD = 69,282 BUSD worth
Naniniwala si Bob na ang 30K ay isang matibay na suporta para sa BTC at malamang sa ilalim. Iniisip niya na ang preso ay aakyat mula dito kaya napagdesisyunan nya na mag withdrew ng LP. Ngayon nakatanggap siya pabalik ng 1.15 BTC + 34,641 BUSD sa kanyang pitaka.
Sa ating pagsulong, sabihin natin na tama si Bob at ang presyo ay dahan-dahang tumaas pabalik sa naunang presyo nito na 40k.
t=3
Bob’s assets= 1.15 BTC + 34,641 BUSD = 80,641 BUSD worth
Sa pamamagitan ng pag-withdraw ng kanyang LP noong pumatak ng 30K BUSD ang BTC, hindi na-expose si Bob sa asset rebalancing n asana ay nakapagbenta pabalik ng ilan sa kanyang BTC papuntang BSD habang tumataas pabalik sa normal ang BTC’s prices. Nagresulta ito sa kanya na makaipon ng karagdagang 641 BUSD kumpara sa kanyang nasimulan ( hindi kasama ang yields sa bilang). Habang mas nagiging kampante si Bob sa kanyang future price predictions, nagkaroon sya ng kakayahang makagawa ng relative profit sa pamamagitan ng pag-exit ng kanyang LP at pag shift sa simple holding.
Ang mga sumusnod ay kabaliktaran sa naunang nabanggit na halimbawa. Kunwari ikaw ay masaya na gamitin ang ilang bahagdan ng iyong kita sa cyrpto asset kapag tumaas ang presyo nito. Sa senaryong ito, maari kang maglagay ng kaunti sa LP position. Habang tumataaas ang presyo, ikaw ay awtomatikong “dollar-cost-average-sell” ang iyong position gamit ang AMM’s algorithm.
Kung sa tingin mo na ang presyo ay nangunguna, maari mo ng alisin ang iyong LP at ibenta ang iyong tokens, upang maiwasan ang AMM na bilhin ang mga ito pabalik habang bumababa ang presyo nito. Kung iyong nais, maari kang mag reenter sa mas mababang presyo O gamit ang Alpaca, maaari kang magbukas ng short position.
Tulad ng nakalarawan sa nakaraang dalawang sub-seksyon, ang L’Ping ay maaaring maging napaka kapaki-pakinabang na tulong sa iyo sa pagbabakod-bakod ng mga posisyon, upang mabawasan ang panganib kapag wala kang katiyakan sa direksyon ng merkado.
Para sa karamihan na hindi full-time na propesyonal na negosyante, hindi ba ganito ang kalagayan? Sa katotohanan, totoo ito kahit para sa mga propesyonal na negosyante, kung kanino marami ang tama sa direksyon ng merkado na kadalasan ay 55%.
Kaya't bagaman marami sa atin ang “naka-bullish” (naniniwala ang isang namumuhunan na ang isang stock o ang pangkalahatang merkado ay magiging mas mataas ) sa crypto at iba't ibang mga assets, hindi tiyak kung ang hindi maiiwasang breakout na iyon ay magaganap sa 1 buwan, 1 taon, o 5 taon. Kung ito ay isang mas mahabang panahon at hawak natin ang mga assets na ito sa ating mga wallet, mawawala sa atin ang isang malaking potensyal na interes na maaari nating makuha kung nakilahok tayo sa “yield farming “sa mga protokol na tulad ng Alpaca!
Kaya’t maaaring makita na ang “LP’ing” ay isang maaring maging limitasyon laban sa market timing! Kahit na sa hindi kanais-nais na senaryo, kung ang breakout ay nangyari sa isang maikling panahon at mayroon kang ilang hindi permanenteng pagkalugi, ang mga nakukuha mong ani ay maaari pa ring makabawi dito!
Suriin natin nang detalyado ang mga pangyayari sa itaas. Ayon sa kinaugalian na, kapag namumuhunan ka sa isang merkado, gagawin mo ang mga sumusunod na pagkilos:
Kung naka-bullish ka sa isang merkado o pag-aari, maaari mo itong bilhin aka “kumuha ng mahaba na posisyon.”
Kung bearish (nailalarawan o nauugnay sa pagbagsak ng mga presyo ng pagbabahagi.) ka sa isang merkado o pag-aari, maaari mo itong ibenta aka “kumuha ng isang maikling posisyon.”
Ngunit paano kung hindi ka nakakatiyak? Uupo ka na lamang ba na ang laman na pera ng bangko mo ay kumikita nang halos 0 interes?
O paano kung sa palagay mo ang merkado ay nasa kapanahunan ng pahinga? Na kailangan nitong pagsamahin nang ilang sandali bago ang isang pangunahing paggalaw pataas o pababa na maaaring maganap, tulad ng madalas na nangyayari sa mga merkado pagkatapos ng mga panahon ng mataas na baryante.
Sa isang senaryo ng pagsasama o kawalang-katiyakan, isang mahusay na diskarte sa pamumuhunan ay naglalagay ng mga assets sa isang “LP position”. Ang sa isang “LP position”ay kumikita ng mga ani kahit na hindi lumilipat ang mga presyo. Dahil sa “DCA effect “ (naglalayong bawasan ang epekto ng pagkasumpungin sa malalaking pagbili ng mga pinansiyal na assets tulad ng equities ) kapag ang presyo ng isang asset ay tataas o bumaba, mayroon ka ring isang barikado sa asset sa parehong direksyon.
Sa kasong ito, ang isang halimbawa ng isang diskarte na maaari mong gamitin ay ang simpleng LP'ing, tulad ng pagbubukas ng isang auto compounding na posisyon ng LP nang walang leverage. Kung nais mong kumita ng mas malaki ang magbubunga, maaari kang gumamit ng leverage at magbukas ng 2x position, hiram ang isang crypto asset na walang kinikilingan, o kumuha ng mas malaking leverage sa isang mahaba o maikling posisyon na may isang asset na iyong pinili. Maaari mo ring buksan ang isang “hedged” na neutral na posisyon kung nais mo ng labis na pagpapagaan ng panganib o “risk”, na mas madaling pamahalaan kung hindi lumipat ang mga presyo ng asset.
Ang punto ay ang halos anumang LP strategy ay kumikita sa isang sideways market, mas kumikita kaysa sa isang pamantayang pangmatagalan o maiklian dahil sa mga kita , at maaari mo pang ipa - customize ang uri ng estratehiya batay sa iyong pagpapahintulot sa mgta maaring maging mga panganib at nais na mga APY gamit ang Alpaca. Kaya't kung ano man ang pagpapasya mong gawin, malaman lamang na sa sandaling umakyat ka sa farm, makakasiguro kang puno ng berde ang makikita ng iyong mga mata.
Inaasahan namin na ang artikulong ito ay nagbigay ng ilaw sa paksa ng Impermanent Loss at paanong titingnan ito sa pamamagitan ng lens of dollar cost averaging/hedging, maaari itong maging isang instrumento na gumagana sa iyong pabor, imbis na isang bagay na ikakatakot.
Salamat sa pagsali at heto na muna sa ngayon, young alpacas. Kung nais mong basahin ang higit pang mga artikulo tulad nito, huwag kalimutang suriin ang aming Alpaca Academy. Happy Farming!