Aralin 2 - Panimulang Pag-Aaral Tungkol sa Hedging na may Double-Sided na Borrowing

Ngayong araw, ituturo namin sainyo kung papaano ka nabibigyan ng abilidad ng Alpaca Finance platform, na makabuo ng malalakas na estratehiya para sa mga nakakatakot na parte ng hedging. Tama! Pag-uusapan natin ang double-sided leveraged yield farming.

Kami ay nasisiyahan na maging kauna-unahang maglaganap ng yield farming protocol dito sa BNB Chain. Gamit ang kagamitang ito, makakapili ka kaung anong ari-arian (asset) ang hihiramin mo kapag ikaw ay magbubukas ng leveraged yield farming positions sa mga pares na pinaglaan naming ng deposit vaults para sa parehong asset. Ang mga halimbawa ng suportadong pools ay ang:

  • BNB-BUSD (3x)

  • BNB-ETH (3x)

  • ALPACA-BUSD (2.5x for borrowing BUSD, 2x for borrowing ALPACA)

  • BTCB-BNB (3x)

  • BTCB-BUSD (3x)

  • USDT-BUSD (3x)

  • ETH-BUSD (3x)

📈Ano ang mga Benepisyo ng Double-Sided Leveraged Yield Farming

Upang maintidihan mo kung paano ka makaka-kamit ng benepisyo sa kagamitang (feature) ito, kailangan mo munang maintindihan ang exposure ng bawat isang ari-arian (asset) mo sa iba’t-ibang antas ng leverage.

  • Ang 1x leverage ay katumbas lamang ng standard farming na maaari mong gawin kahit saan. Kapag tumaas pa sa 1x, hihiram ka na ng ari-arian (asset), na magbibigay daan sayo upang mapadami ang iyong farming position, na magbibigay saiyo ng mas mataas na ani (yields) at bonus na Alpaca rewards.

  • Ang ari-arian na bukod sa hiniram mo ay magkakaroon ng leveraged long exposure, kaya ang equity value mo ay tataas kapag tumaas ang presyo nito. Ito ay kaparehas ng standard yield farming.

  • Para sa mga hiniram na ari-arian na nasa 2x leverage, ikaw ay magkakaroon ng neutral exposure sa asset na iyon. Ibig sabihin nito, sa pagbubukas ng posisyon ang equity value mo ay hindi maiiba sa mahinhin na pagtaas o pagbaba ng presyo ng iyong ari-arian (assets). Kaya naman tinatawag na “neutral”.

**Para sa mga gumagamit na nais mag hedge nang neutral: Isaisip na ang paggalaw ng “large double-digit numbers” ay makakapagbago ng “exposure” sa hiniram mong ari-arian (asset) mula sa neutral, patunog sa “slightly long” o “slightly short”. Kaya naman ang pagbubukas ng posisyon nang nasa 2x ay hindi magandang paraan upang makapag-hedge nang neutral. Ang 2x ay neutral sa bukas na posisyon at ginamit lamang bilang halimbawa para maipakita. Sa pagtuloy ng artikulong ito, ipapakita namin saiyo kung papaano makapag-hedge nang neutral gamit ang maraming posisyon, na kayang manindigan kahit na magkaroon ng matataas na pag-galaw ng presyo. Maaari ka din makakuha ng mga halimbawa nito mula sa karanasan ng ibang negosyante dito, o magkaroon ng ideya kung papaano nakaka-apekto ang “exposure change”, sa halaga ng iyong posisyon gamit ang aming yield farming calculator.

  • Sa itaas ng 2x, ikaw ay magkakaroon ng kaunting short sa iyong hiniram na ari-arian (asset). Ibig sabihin nito ang halaga ng equity mo ay tataas kapag ang presyo ng ari-arian ay bumaba, at bababa naman ang halaga ng equity mo kapag tumaas ang halaga ng ari-arian.

  • Sa ibaba ng 2x, parehas kang maglo-long sa dalawang ari-arian, mas long nga lamang sa ari- arian (assets) na hindi mo hiniram.

Sa ating dinaanan, tuwing magbubukas ng mga LYF position, ikaw ay limitado lamang sa paghiram ng isang uri ng ari-arian (asset). Halimbawa, kapag nais mong i-leveraged farm ang ETH-BNB, ikaw ay pwersadong humiram ng BNB. Tulad ng binanggit noong nakaraang artikulo, kapag ang iyong leverage ay mas mataas sa 2x, ikaw ay nagsho-short sa ari-arian na hiniram mo. Ang ibig sabihin nito sa ating halimbawa ay ika’y nagsasagawa ng shorting sa BNB kapag ikaw ay nagsasagawa ng leveraged farming sa ETH-BNB. Ito ay masaklap para saiyo kung sa iyong pananaw ay mas matataasan ng BNB ang ETH. Ngayon, sa aming double-sided farming, hindi na iyan ang kaso!

Kung ikaw ay naniniwala na mas matataasan ng BNB ang ETH, maaari mong piliin na humiram ng ETH at mag-long sa BNB habang nagsho-short sa ETH! Upang maisagad ang kakayanan mong kumita, kapag mayroon kang pagpipilian kung anong ari-arian (assets) ang puwede mong mahiram, pagisipang humiram ng ari-arian na KABALIGTARAN NG ari-arian na mas mapang-akit saiyo. Halimbawa, sa ETH-BNB, kapag pakiramdam mo na tataas ang presyo ng BNB kumpara sa ETH, ikaw ay dapat humiram ng ETH.

Karagdagan, ikaw ay magkakaroon ng kakayahan na i-customize ang iyong mga posisyon sa pamamagitan ng pagpili ng kung anong ari-arian (assets) nais mong hiramin. Itong benepisyong ito ay magbubukas saiyo ng daan upang makabuo ng mas sopistikadong farming at hedging strategies.

Bilang halimabawa, ikaw ay makakapag-farm nang saga dang leverage sa mataas na pares ng APY habang naghe-hedge nang neutral. Isang halimbawa ng pares na ito ay ang BNB-BUSD, sa pamamagitan ng pagbubukas ng dalawang posisyon na naghihiraman ng ari-arian (assets) ng isa’t isa, natatanggalan ng silbi ang kanilang “exposures” kaya naman sila ay nananatiling neutral. Sa ibaba, magbibigay kami ng halimbawa ng tinutukoy naming na “setup”. Ngunit, bago tumuloy, siguraduhing naintindihan ang longing at shorting sa pamamagitan ng pagbabasa ng nakaraang artikulo.

Halibawa ng set-up

(1) Una, ikaw ay magbubukas ng isang BNB-BUSD position, at hihiram ng BUSD na naka 3x leverage. Para sa halimbawang ito, ikaw ay maglalagay ng 1000 USD na halaga ng tokens bilang iyong collateral.

  • Added collateral: $1000

  • Total position value: $3000 (borrowed 2000 BUSD)

Exposures:

  • BUSD: short 500 (matagumpay na neutral dahil ang BUSD ay nakapako sa USD kaya naman ay malabo itong tumaas o bumaba. Kapag hindi mo naiintindihan bakit 500 ang i-short imbis na 1500, basahin mo ito)

  • BNB: long 1500

(2) Sunod naman, ikaw ay magbubukas ng panibagong BNB-BUSD position, ngunit ngayon, ikaw ay hihiram ng BNB na nasa 3x leverage, at ikaw ay magdadagdag ng 3000 USD na halaga ng tokens bilang collateral.

  • Added collateral: $3000

  • Total position value: $9000 (borrowed 6000 BUSD)

Exposures:

  • BUSD: long 4500(effectively neutral)

  • BNB: short 1500

(3) Ngayon, pagsamahin natin ang kabuuang exposures kapag pinagsama ang dalawang posisyon sa itaas:

  • Added collateral: $4000

  • Total position value: $12000 (borrowed 8000 BUSD)

Total Exposures:

  • BUSD: long 4500 - short 500 = long 4000(effectively neutral)

  • BNB: long 1500 - short 1500 = 0 (neutral)

Ayon sa iyong nakikita, gamit ang stratehiyang ito, ikaw ay mayroong kaparehas na neutral exposure na kailangan o na meron ka sa isang stablecoin-stablecoin pair sa isang bukas na posisyon. Ngunit! Ikaw ay nagfa-farm sa isang mas mataas na APY pair, kaya naman kumikita ka nang mas mataas na ani (yields).

Ang stratehiyang ito ay mapagtatagumpayan mo lamang gamit ang double-sided borrowing, at ito ay isang bagay na hindi mo lang basta-basta makukuha sa isang ordinaryong yield farm, kaya naman mapipilitan kang mahirapan sa long exposure ng dalawang ari-arian (assets). Ngunit dito sa Alpaca, nais naming palakasin ang aming grupo gamit ang mga pinakamalalakas na farming tools; golden tractors, at marami pang iba…

Kaya ngayon, maging masaya sa pagfa-farm sa paraan na gusto mo ka-Alpaca! Sa susunod na leksyon, pagtutuunan natin ng pansin ang mga pinakamagandang stratehiya ng hedging gamit ang leveraged yield farming.

(Isang importanteng kuwento para sa mga may pakay na mag-hedge neutral: dahil sa natural na galaw ng LP tokens, ang AMM ay nagbabalanse ng iyong mga ari-arian (assets) tuwing gagalaw ang mga presyo. “Impermanent loss” ang madalas tawag ng mga tao sa Defl ay nanggagaling sa mekanismong ito. Ang ibig sabihin nito ay, sa bawat galaw ng presyo, ay gumagalaw rin ang neutral exposure mo. Sa makatuwid, kapag tumataas ang presyo, ang exposure ng ari-arian ay mas nagiging short. Kapag naman bumaba ang presyo, ang exposure ng ari-arian ay mas nagiging long.

Maaari mong maibalik sa dati ang neutral exposure na ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng collateral (kung ang presyo ay tumaas at naging short) o kaya naman sa pamamagitan ng pagsasara ng posisyon at muling pagbubukas nito, ngunit ikaw ay nagkakaroon ng kawalan sa tuwing isinasagawa mo ito, kaya hindi ito magandang stratehiya. Sa halip, ang paghiram ng Alpaca sa BUSD-ALPACA nang 2x ay magtatagumpay lamang kung ikaw ay pupusta na ang presyo ng ALPACA ay sasaklaw. Kahit ganon man, mas magiging mas mabuti sayo na magbukas ng dalawang nagbabalannseng posisyon na naka-porma sa 3x na binigay dito sa artikulo upang maging neutral, dahil ikaw ay makakatanggap ng mas maraming farming yields habang nasa mataas na leverage.

Para sa kabuuan, ang neutrality na nakukuha mo sa paghiram ng ari-arian (asset) na nasa 2x ay hindi kaparehas ng neutrality na nakukuha mo sa paggawa ng neutral hedge na nagsasama ng dalawang posisyon na may leverage na mas mataas sa 2x. Ang halimbawa na binigay dito sa artikulong ito na nagsasama ng dalawang posisyon ay mas epektibo sa paggawa ng neutral hedge.

Kasalukuyan kaming gumagawa ng mga produkto upang makapag-short o hedge nang walang nagaganap na asset rebalancing. Sa kabilang banda naman, ay maaari mong gamitin ang aming calculator na mayroong mga chart na nagpapakita ng epekto ng paggalaw ng presyo sa iyong equity dahil sa mga umiilalim na paggalaw ng exposures.)

Para sa mas malalim na pagpapaliwanag at halimbawa ng “multi-position hedging strategy” na gamit ang Alpaca, maaari mong basahin ang https://medium.com/leveragefarming-with-alpaca/pseudo-delta-neutral-withalpaca-4df49289e167

Last updated