Proficiency Exams (earn NFTs)

Sa mga alpacas,

Ang leverage ay maaaring maging isang instrumento ngunit mayroon din itong dagdag na risk o panganib. Iyon ang dahilan kung bakit ang pagtuturo sa komunidad ay palaging isa sa aming nangungunang mga prayoridad - pangalawa lamang sa seguridad ng platform. Iyon ang dahilan kung bakit sa simula pa lang, binuo namin ang Alpaca Academy: isang serye ng mga aralin, diskarte, at kapaki-pakinabang na gamit at instrument na ganap na nakatuon sa pagtuturo sa mga talubata at beterano na Alpacas sa kung paano manatiling ligtas at kumikita habang ginagamit ang Alpaca Finance.

Ang aming kawan ay nakakita ng malaking progreso ng paglaki sa mga nagdaang linggo, at masaya kami na makita ang maraming mga nakababata na natututo, nagtatanong, at nagbabahagi ng mga ideya sa aming mga social channel. Alam namin na ang pagbubasa ay maaaring maging nakaiinip. Iyon ang dahilan kung bakit lumikha din kami ng mga videos sa aming YouTube Channels na may mga tutorial at mga panimulang estratehiya upang magamit ng mga young alpacas.

Gayunpaman, aming nais palagi na gumawa ng mas mahusay; upang magpatuloy , pahakbang hakbang. Nais naming lumikha ng isang bagay na mas masaya at interactive, at sa parehong oras, bigyan ang aming mga users’ ng kumpiyansa na sila ay sapat na may kaalaman upang magamit ang aming mga produkto nang ligtas. Kaya ngayon, ang mga senior alpacas ay masayang inihayag ang pinakabagong karagdagan sa aming Alpaca Academy- ang Alpaca Proficiency Exam! ( aka APE )

Ang APE ay nahahati sa tatlong ( 3 ) antas. Ang bawat antas ay may isang pagsusulit na susubukin ang iyong kaalaman at pag-unawa sa leveraged yielad farming at ang Alpaca Finance platform. Ang mga users na nakumpleto ang bawat antas ng pagsusulit na may buong marka ( full marks ) ay magiging karapat-dapat na makatanggap ng eksklusibong NFTs para sa paggawa nito. ( Maari ang multiple attemps sa pagsusulit. Kaya't huwag magalala at subukan ang iyong makakaya.)

Sa ika-1 at ika-15 ng bawat buwan, kokolektahin namin ang listahan ng mga users na karapat-dapat tumanggap ng mga NFT, at papayagan silang mag-angkin ( to claim ). Ang unang bilang ay sa Setyembre 1.

Ang Exams ay live na ngayon. Kaya atin nang dalian at maging unang pangkat ng mga alpacas na maging sertipikadong APE at matanggap ang mga NFT! Tama yan, ape sa APE! APE Level I: KinderPaca

APE Level II: TeenPaca

APE Level III: PhDPaca

Last updated