Estratehiya 1: Humawak ng Token Habang Kumikita sa Mababang Panganib
Kung ikaw ay isang nagsisimula sa DeFi o isang propesyonal na gumagamit, ang Alpaca Finance ay nag-aalok ng isang paraan para sa iyo upang kumita ng malaking profit sa ligtas na paraan kahit sa simpleng paghawak lang sa iyong mga token.Sa aming platform, ito ay Strategy 1: Lend & Stake.
Sa dalawang madaling hakbang na ito, maaari mong ideposito ang iyong mga token upang simulan ang pagkita ng mataas na DeFi sa mga lending platform para sa mga single asset.
Ang mga rate batay sa petsa ng pagkalathala ng artikulo (July 19, 2021), ang ganitong kataas na mga APY ay mapapanatiling makamit dahil sa alok na teknolohiya ng Alpaca na may natatanging mataas na kapital sa mga manghihiram. Dahil dito ay nakakapag bukas sila ng undercollateralized na utang para sa yield farming. Bilang isang resulta, ang aming mga rate ng paggamit at mga rate ng interes sa pagpapahiram ay palaging 2x (o mas mataas) kaysa sa iba pang mga protocol.
Kasabay nito, ang modelong ito ay ligtas din para sa mga nagpapahiram, dahil hindi tulad ng iba pang mga lending platform, ang mga nangungutang ay hindi maaaring bawiin ang mga hiniram na pondo mula sa Alpaca. Kaya ang paggamit at pagbabalik ng mga pondo ay mahigpit na kinokontrol ng protocol, tinitiyak na natatanggap ng mga nagpapahiram ang kanilang mga pondo.
Ang aming protocol ay may mga setting ng konserbatibo at mabilis na liquidation upang matiyak na hindi darating sa punto ng malalang utang. Higit sa lahat, hindi katulad ng iba pang mga protocol, ang Alpaca ay walang bayad sa deposito, walang bayad sa pag-withdraw, at walang default na lock-up, kaya maaari kang magdeposito at mag-withdraw sa anumang oras.
(Ang tanging pagkakataon na pansamantalang mai-lolock ang mga pondo mula sa pag-withdraw kung ang paggamit ay napakataas sa pool na iyon, > 90%. Gayunpaman, sa puntong iyon, ang triple-slope interest rate model ng protocol at internal balancing mechanism ang magwawasto nito, itutulak ang paggamit pabalik sa loob sa maikling panahon at sa gayon ay mau-unlock ang mga pondo. Napatunayan ito na mabisa sa parehong sangay ng matematika at kasaysayan sa panahon ng Alpaca Finance.)
Ngayon, ipapakita namin sa iyo kung paano ka makakakuha ng kita sa Alpaca Finance gamit ang unang estratehiya.
Strategy 1: Lend & Stake
Unang Hakbang - Magpahiram (Lend): Sa pahina ng Lend, ideposito ang iyong napiling asset. Matapos ang iyong deposito, awtomatiko kang makakatanggap ng mga interest-bearing tokens (ibTokens) sa iyong wallet. (Kung magdeposito ka ng BNB, makakatanggap ka ng ibBNB). Ang mga token na ito ay kumakatawan sa iyong bahagi ng lending pool, at awtomatikong naiipon ang iyong interes sa pagpapahiram sa kanila.
Mapapansin mo ang mga halaga ng mga ibTokens ay tataas sa paglipas ng panahon sa parehong rate ng Lending APR (ang interes sa pagpapahiram ay auto compounded sa ibTokens). Ito ay kung paano ka kumita ng interes sa pagpapahiram ng base. (Tingnan ang higit pang impormasyon sa ibTokens dito)
Kapag nag-withdraw ka, mapapansin mo ang halaga ng iyong ibTokens na nadagdagan na kaugnay ng iyong base tokens, na kumakatawan sa iyong naideposito na mga token + nakolekta na interes.
Pangalawang Hakbang - Itaya (Stake) : Sa Stake page, mag-click sa vault na kumakatawan sa iyong ibTokens upang buksan ito, at pagkatapos ay itaya ang iyong ibTokens upang magkaroon ng karagdagang kita sa ALPACA.
Sa usapin naman ng ibALPACA tokens, maaari mo itong itaya sa page ng ALPACA or sa Graze page para sa mas mataas na APR sa token mula sa mga kabahaging proyekto.
Sa Grazing Range, kapag tumaya ka ng 500/5000/50,000 (three tiers) ng ibALPACA sa isang pool mula sa pagsisimula nito hanggang sa wakas (karaniwang 4 na linggo), makakatanggap ka ng isang espesyal na - isang eksklusibong Alpaca NFT. Narito ang halimbawa, at maaari mong i-follow ang aming Twitter upang malaman kung kailan magbubukas ang mga bagong pool ng Grazing Range.
Maaari ka nang magsimulang kumita sa dalawang madaling hakbang!
Upang makakuha ng mas detalyadong panuto sa kung paano mag-Lend & Stake, maaari mong basahin ang sumusunod na gabay sa aming mga docs.
At gaya ng lagi, bisitahin ang aming Alpaca Academy upang higit pang malaman ang tungkol sa leveraged yield farming at kung paano mas mahusay na kikita ng mataas na ani sa Alpaca!
Last updated