📈Paano Makakalahok
Last updated
Was this helpful?
Last updated
Was this helpful?
Maaari kang makasali sa Alpaca Finance sa tatlong klaseng paraan:
💵 Lender (hihiraman): Maaari kang kumita ng ligtas at matatag ang pundasyon mo na babalik ang iyong mga base assets sa pamamagitan ng pag deposito sa mga ito sa aming mga lending vaults. Ang mga assets na ito ay inaalok sa mga yield farmers upang magbunga ang iyong asset at magkaroon ng leverage sa kanilang posisyon.
👨🌾 Yield farmer (magsasaka): Maaari kang humiram ng mga base assets mula sa aming mga lending vaults, dahil dito ay maaari mo nang buksan ang iyong leveraged farming position, paramihin ang iyong ani na APR hanggang sa 6x (minus na interes sa paghiram). Siyempre, ang mga mas mataas na ani na ito ay may mas malaking panganib kaysa sa pagpapahiram: liquidation, impermanent loss, atbp.
🚨 Liquidator: Sinusubaybayan ang pool para sa mga leveraged farming position na may Safety Buffers sa 0 (kapag ang equity collateral ay nagiging masyadong mababa, kaya papalapit na sa peligro ng default) at dadaan na ito sa liquidation. (Mga bot lamang.
Kasalukuyan naming suportado ang mga sumusunod na base assets: BNB, BUSD, USDT, TUSD, ETH, ALPACA, and BTCB. Ang aming mga leveraged farming ay isinama sa PancakeSwap & WaultSwap.
Sa halimbawang ito sa ibaba, ipinapakita namin kung paano nagtutulungan ang bawat kalahok sa aming ecosystem:
Alice, ang hihiraman (lender) dineposito niya ang kaniyang BNB sa aming lending vault, at nakatanggap ng ibBNB (interest-bearning asset representing her shares of BNB) sa lending vault. Ang BNB niya ngayon ay maaari nang gamitin ng mga manghihiram (yield farmer). Ang ibBNB ni Alice ay nakakuha ng interes, na maaari niyang kunin para sa higit pang BNB kaysa sa halaga na kanyang idineposito (na kumakatawan sa principal BNB + interes).
Bob, ang magsasaka (yield farmer) gusto nitong magbukas ng leveraged yield farming position sa BTC/BNB; humiram siya ng BNB sa vault at kasalukuyang naaaliw sa mas mataas na ani. Ang smart contract ng Alpaca Finance nag-aalaga sa lahat ng tumatakbo sa likod ng mga eksena: itinatama ang ratio ng mga assets, na nagbibigay ng liquidity sa pool, at pag-stake ng mga token ng LP para sa Pancake Rewards.
Erin ang liquidator bot sinusubaybayan ang lagay ng bawat leveraged position, at kapag ito napupunta higit pa sa itinalagang parameters, siya ay tumutulong sa pag liquidate ng posisyon, sinisigurado na ang mga lender tulad ni Alice ay hindi mawawalan ng kapital. Para sa serbisyong ito, siya ay nakakakuha ng 5% mula sa liquidated na posisyon. Sa Alpaca, mayroon din kaming isang in-house bot na gumagamit ng 100% ng bayad na ito para sa pagbili muli at pagsunog ng token ng ALPACA. Kaya't kahit na hindi ka mapalad at na-liquidate ang iyong posisyon, kung ikaw ay may hawak na ALPACA, maaari ka pa ring maging kampante dahil ang iyong token ay tataas ang halaga.