🦙Alpaca Finance
Hayaan mong ang mahiwagang South American mammal ang magdala ng tayog sa iyong Ani
Ang Alpaca Finance ay isa sa pinakamalaking lending protocol (pautangan) na nagbibigay daan sa masaganang ani sa BNB Chain. Tinutulungan nito ang mga lenders o nagpapahiram na kumita ng ligtas at magkaroon ng matibay na pundasyon ng kita. Samantala, ang mga borrowers o manghihiram naman ay inaalok ng undercollateralized loans o utang na hindi nangangailangan ng kolateral, ito ay para sa patuloy na kita na nagreresulta sa paglago ng pangunahing kita at bungang kita.
Bilang tagapagtaguyod ng De-Fi ecosystem, pinalalago ng Alpaca ang liquidity layer of integrated changes, na nagbibigay daan sa mas pinabuting capital efficiency sa pamamagitan ng pagkonekta sa lenders at borrowers. Sa ganitong pamamaraan, naging pangunahing pundasyon ng De-Fi ang Alpaca. Tumutulong itong makarating ang finance empowerment sa lahat ng indibidwal, sa bawat alpaca.
Bukod dito, and mga alpaca ay mabubuting lahi. Dahil dito, makasisigurado kayo na kami ay patas sa proyekto, walang paunang bentahan, walang kapitalista o namumuhunan, wala ring paunang mina. Kaya mula pa sa umpisa, ang Alpaca ay produkto ng tao, para sa tao. O tulad ng kasabihan namin: by the alpacas, for the alpacas.
Alpaca—isang napakagandang hayop! Wala nang mas mahusay pang makapag sagisag ng aming katangian bukod dito.
Gustong-gusto ng mga Alpaca ang manirahan sa bundok na may mataas na altitude… Gagawin nilang abot langit ang ani mo kapag kinaibigan mo sila.
Ang mga Alpaca ay may dalawampu’t-dalawang (22) magagandang kulay… Handog namin ang iba’t ibang farming pools na maaari mong pagpilian.
Ang mga Alpaca ay green animals o mga hayop na mabuti para sa kapaligiran; magaan ang kanilang carbon footprint, at 95% ng kanilang lana (wool) ay kapakipakinabang… Ang pagpapadala sa pamamagitan ng BNB Chain ay madali at mahusay, idagdag mo pa rito ang tipid na konsumo kumpara sa iba, na nagpapalaki ng ani.
Hindi nangangagat ang mga Alpaca, wala itong matalim na mga ngipin… Lahat sa proyekto namin ay malinaw at mapapatunayan; panatag ka dahil walang magiging rug pull o nakawan.
Ang mga Alpaca ay magandang investment; hindi sila magastos palakihin, maliit lang ang kinakailangang lupain, at makakakuha ka ng palagiang panustos na lana (wool)... Ang protocol’s leveraged positions namin ay nagbibigay daan sayo upang madagdagan ang potensyal na kita mo, dahil dito mas mataas ang posibleng ani kahit mababa ang kapital.
Ang mga Alpaca ay investment na mamahalin mo… matutuwa kang panoorin ang patuloy na pagtaas ng kita mo.
Ano ang yield farming?
Yield farming ay isang makabagong konsepto ng DeFi kung saan ang mga gumagamit nito ay maaaring itaya o ipautang ang kanilang crypto assets upang umani ng kita pabalik.
Ano ang leveraged yield farming?
Ang leverage ay resulta ng pag gamit ng hiram na kapital upang palakihan ang asset base at potensyal na kita. Sa madaling salita, humihiram ka ng pondo para mas dumami ang investment mo, at bilang resulta ay lalaki rin ang kikitain mo.
Sa konteksto ng yield farming, kabilang sa leverage ang paghiram ng asset para mapalago ang yield farming position mo, na nagreresulta sa mas malalaking ani. Ito ay estratehiya para sa mas pinalaking pangkalahatang kita. Narito ang iba pang impormasyon ukol sa leveraged yield farming: https://thedefiant.io/leveraged-yield-farming/
Bakit namin binuo ang Alpaca Finance?
Sa pangunguna ng Compound sa panahon ng DeFi Summer, nagbunga ng pagsasaka (yield farming) sa Ethereum ay naging isang malawakang paraan para sa mga proyekto upang makapag bootstrap ng kanilang liquidity at manghikayat ng mga bagong gagamit. Gayunman, hanggang sa huli, ang tumataas na gastos ng proseso ay naging mas prohibitive para sa karamihan ng mga tao. Sa katunayan, Ethereum ay naging isang whale game dahil ang bayarin sa gas ay masyadong mapahamak na mataas!
Bilang isang resulta, ang BNB Chain ay nakaranas ng isang malawakang pagkakakilanlan, at sa pagbabago ng ecosystem, napansin namin ang puwang sa mga inaalok na aplikasyon kumpara sa iba pang mga chains tulad ng Ethereum. Upang maging partikular, isa sa mga kulang--ay isang on-chain leverage protocol!
Sa gayon, ang Alpaca Finance ay nabuo, naghahangad na magbigay ng halaga sa pamayanan ng BNB Chain sa pamamagitan ng leveraged yield farming.
Last updated