Page cover image

🌊Liquidation

Ngayon, masusing nating tingnan ang pagpuksa, na pinapahiwatig ang konsepto upang mas madaling maunawaan. Ngunit bago ang lahat, kumuha tayo ng ilang mga termino na gagamitin sa susunod na seksyon:

-Ang iyong Debt Value ay ang halaga ng iyong hiram na tokens - Ang iyong Position Value ay ang halaga ng iyong farming position, na katumbas ng iyong collateral + borrowed assets + yields (kilala rin bilang halaga ng iyong LP tokens) - Ang Debt Ratio ay iyong Debt Value na hinati sa Position Value - Ang iyong Equity Value ay ang Position Value mo kung saan binawas ang iyong Debt Value (Lahat ng halagang nabanggit ay makikita sa borrowed token)

Ang panganib ng Liquidation

Bilang mga senior alpacas, tungkulin naming turuan kayong mga kabataan tungkol sa anumang mga panganib sa bukid, kung saan ang pinakakaraniwan ay ang liquidation. Ano iyon? Kapag binuksan mo ang leveraged position, humiram ng hanggang sa 6x na pondo na idinagdag mo, kailangang tiyakin ng protocol na mababayaran mo ang utang na iyon. Kaya ang halaga na idinagdag mo mula sa iyong mga pondo ay kumikilos bilang collateral, na lumalaki habang nag-iipon ka ng mga ani (minus na borrowing interest).

Ang collateral na iyon ay dapat manatiling mas mataas sa halaga ng iyong utang (kasama ang isang margin ng kaligtasan sa account para sa potensyal na mabilis na paggalaw ng presyo) o maaaring isara ng protocol ang iyong posisyon upang mabayaran ang mga nagpapahiram, na tinatawag na liquidation. Nais mong maiwasan ang liquidation dahil sa oras na iyon, 5% ng iyong natitirang position value ay babayaran sa liquidator bot bilang reward para sa pagsasara ng iyong posisyon at pagtiyak na ang mga nagpapahiram ay binabayaran.

Linawin natin ngayon. Ang liquidation ay isang panganib, ngunit sa mga piling pagkakataon lamang. Kapag unang beses mong magbubukas ng posisyon, hindi mo pa kailangang isipin ang panganib ng liquidation.

Ngayon, kalian ka dapat mag-alala tungkol sa liquidation? Dahil nakapagdeposito ka na ng crypto tokens, ang halaga ng iyong collateral ay volatile, nagbabago ito kasabay nang pagbabago ng halaga ng tokens. Higit pa diyan ay kapag humiram ka ng pondo, hawak mo ito at nakakakuha ka ng potential gains(at losses) sa mga assets na iyon habang bukas ang posisyon mo.

Ngayon ay mahalagang matandaan mo na ang iba pang tawag sa collateral ay Equity Value. Ito ang euqity value na kailangang manatili sa itaas ng isang tiyak na threshold upang maiwasan ang liquidation. Upang maging tiyak, kung ang iyong Debt Ratio ay lumampas sa isang threshold na tinatawag na Liquidation Threshold, ang iyong posisyon ay maaaring maliquidate ng isang liquidation bot-nangangahulugang isasara ng bot ang iyong posisyon, bayaran ang utang, at ibalik ang natitirang halaga sa iyo (denominated sa hiniram na mga token.

Bakit ka maliliquidate sa liquidation threshold? Dahil kapag ang iyong collateral (equity value) ay naging mababa at patuloy itong bumababa ng halaga, maaaring may panganib na hindi mo mababayaran ang iyong utang. Kaya kinakailangan ang liquidation upang maprotektahan ang mga Lenders. Ito ang nagbibigay ng tiwala sa mga nagpapahiram na ipahiram sa iyo ang kanilang mga ari-arian sa una, upang maaari kang magsaka habang kumita.

Ayon ang pangkalahatang-ideya ng liquidation. Gayunpaman, bilang mga leveraged na magsasaka at mamumuhunan, halos nababahala kami tungkol sa presyo. Kaya't pumasok tayo sa susunod na usapin, ang paglalagay ng liquidation sa pananaw na may asset prices.

Magkano ang kailangang ibaba ng token price bago mangyari ang liquidation?

Kinakalkula namin ang mga numerong upang maipa-alam sainyo. Sabihin nating binuksan mo ang isang posisyon ng TOKEN1-TOKEN2 at humiram ng TOKEN2 sa 2x, 2.5x, o 3x na leverage. Ang iyong Initial Debt Ratio ay magiging 50%, 60%, at 66.7%, ayon sa pagkakabanggit. Upang maganap ang liquidation, ang presyo ng TOKEN1 laban sa TOKEN2 (TOKEN1 / TOKEN2) ay kailangang bumagsak ng 61%, 44%, at 31%, ayon sa pagkakabanggit, sa pag-aakalang isang Liquidation Threshold na 80% (Talahanayan 1).

Mas madaling maunawaan, tama? Kapag ang mga token na hawak mo ay bumaba sa halaga, ang iyong collateral ay bumaba sa halaga, kailangan mong maging maingat sa potensyal na liquidation.

(Upang tingnan ang mga figure na ito sa iba pang leverage level at Liquidation Thresholds, i-download ang aming Yield Farming Calculator, pumunta sa sheet na "LP Farming Liquidation", at maglaro sa iyong nais na mga input.)

Matapos buksan ang isang posisyon, maaaring magbago ang mga presyo at magbabago ang iyong Debt Ratio. Hanapin lamang ang iyong bagong Debt Ratio sa graph sa ibaba upang makita kung magkano (TOKEN1 / TOKEN2) ang kailangang bumagsak bago ma-liquidate. Makikita rin ang mga numerong ito kung ilalagay mo ang iyong mouse sa berdeng Safety Buffer bar sa "Your Positions" na seksyon para makita mo ang real-time na panganib mo sa liquidation.

Para sa single-asset na leveraged yield farming, maaari ring mangyari ang mga liquidation. Sabihin nating binuksan mo ang isang CAKE single-asset farm at humiram ng Token2 sa 1.5x, 2x, at 2.5x na leverage. Upang maganap ang pagpuksa, ang presyo ng CAKE laban sa iyong hiniram na token (CAKE / Token2) ay kailangang bumaba ng 58%, 38%, at 25%, ayon sa pagkakabanggit (tingnan ang talahanayan at grapiko sa ibaba).

(Para sa iba pang mga leverage levels at Liquidation Thresholds, laruin ang sheet na "Single-asset Farming Liquidation" sa aming Calculator.)

Halimbawa ng Liquidation

  1. Binuksan ni Alice ang isang farming position ng BNB-BUSD gamit ang 3x leverage

  2. Nagbibigay siya ng 10 BNB ng kanyang sariling assets (nagkakahalaga ng 3000 BUSD), na kanyang Equity Value.

  3. Humiram siya ng 6000 BUSD (2x ng kung ano ang kanyang ibinigay, kapag pinagsama sa 3000 na idinagdag niya sa kanyang sarili, 3x ng kabuuan)

  4. Pagkatapos ay isasalin ng protocol ang lahat ng idineposito at hiniram na mga token sa isang 50:50 na proporsyon para sa paglikha ng mga token ng LP para sa pagsasaka: 15 BNB + 4500 BUSD o 30 BNB na halaga, na siyang kanyang Halaga sa Posisyon. (Sa katotohanan, ito ay magiging bahagyang mas mababa dahil sa price impact mula sa swapping at trading fees. Ang net exposure ni Alice ay 15 BNB.)

  5. Ang Debt Ratio ni Alice (Debt / Position Value) ay ~ 66% (10 BNB / 30 BNB)

  6. Kung sa isang punto, ang presyo ng BNB ay bumaba ng > 36% (kinakalkula gamit ang Yield Farming Calculator), ang Debt Ratio ni Alice ay lalampas sa 83.3% (ang Liquidation Threshold para sa BNB-BUSD pool). Pagkatapos ay tatawagin ng isang liquidation bot ang smart contract upang isara ang kanyang posisyon, bayaran ang utang, at ibalik ang anumang natitirang asset sa kanyang wallet.

Mangyaring tandaan na ang halimbawang ito ay hindi kasama ang epekto ng mga yield farming rewards at trading fees na sa paglipas ng panahon, ay magpapataas ng halaga ng posisyon ni Alice at gagawing mas ligtas ang kanyang posisyon. Hindi rin kasama rito ang borrowing interest rate na magpapataas ng debt value, na mas magpapataas ng kaniyang debt ratio.

Pag-iwas sa Liquidation upang manatiling masagana ang ani

Ito ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin upang maiwasan ang liquidation:

  • Bantayan ang iyong Safety Buffer: Ang Safety Buffer na matatagpuan sa “Your Positions” dashboard ang magsasabi sayo kung gaano ka na kalapit sa peligro ng liquidation. Kapag narrating nito ang zero, maaari ka nang maliquidate. Pwede kang mag scroll pababa para makita kung gaano na bumaba ang halaga ng iyong primary asset bago mag zero ang safety buffer.

  • Magdagdag ng collateral: Kapag Nakita mo ang iyong Safety Buffer na bumababa, maaari mong piliing magdagdag ng collateral, ang button sa kanang tuktok ng iyong open position para mas mapataas ang iyong safety buffer at mapigilan ang liquidation.

  • Magfarm ng assets na mababa ang volatility: Kung ikaw ay nagfafarm ng stablecoins, ang liquidation hindi gaanong posibilidad. Bukod pa diyan, angpagfafarm ng less volatile, at high market na assets ay mas ligtas sa low-cap tokens. Syempre, mas mababa nga lang ang kikitain mong AYP.

PancakeSwap Pools

Mga Pool

Liquidation Threshold

Liquidation Bounty

Tinatayang Halaga na Maibabalik sa Magsasaka (% ng position value at liquidation)

ALPACA-BUSD

80%

5%

15%

BUSD-ALAPCA

70%

5%

25%

ITAM - BNB

70%

5%

25%

bMXX-BNB

70%

5%

25%

BELT-BNB

70%

5%

25%

BRY-BNB

70%

5%

25%

pCWS-BNB

70%

5%

25%

SWINGBY-BNB

70%

5%

25%

ODDZ-BNB

70%

5%

25%

FORM-BUSD

70%

5%

25%

ORBS-BUSD

70%

5%

25%

CAKE

80%

5%

15%

CAKE-USDT

80%

5%

15%

DODO-BNB

80%

5%

15%

CAKE-BNB

83.3%

5%

11.6%

BTCB-BNB

83.3%

5%

11.6%

BTCB-BUSD

83.3%

5%

11.6%

CAKE-BUSD

83.3%

5%

11.6%

ETH-BNB

83.3%

5%

11.6%

BNB-BUSD

83.3%

5%

11.6%

BNB-USDT

83.3%

5%

11.6%

ADA-BNB

83.3%

5%

11.6%

DOT-BNB

83.3%

5%

11.6%

UNI-BNB

83.3%

5%

11.6%

LINK-BNB

83.3%

5%

11.6%

XVS-BNB

83.3%

5%

11.6%

TRX-BNB

83.3%

5%

11.6%

BTT-BNB

83.3%

5%

11.6%

AXS-BNB

83.3%

5%

11.6%

COMP-ETH

83.3%

5%

11.6%

SUSHI-ETH

83.3%

5%

11.6%

TUSD-BUSD

90%

5%

5%

VAI-BUSD

90%

5%

5%

USDC-BUSD

90%

5%

5%

USDC-USDT

90%

5%

5%

DAI-BUSD

90%

5%

5%

UST-BUSD

90%

5%

5%

USDT-BUSD

92%

5%

3%

NAOS-BNB

70%

5%

25%

DVI-BNB

70%

5%

25%

QBT-BNB

70%

5%

25%

POTS-BUSD

70%

5%

25%

WaultSwap Pools

Mga Pool

Liquidation Threshold

Liquidation Bounty

Tinatayang Halaga na Maibabalik sa Magsasaka (% ng position value at liquidation)

ALPACA-USDT

80%

5%

15%

USDT-ALPACA

70%

5%

25%

ALPACA-BNB

80%

5%

15%

BNB-ALPACA

70%

5%

25%

WAULTx-BNB

70%

5%

25%

MATIC-BNB

80%

5%

15%

WEX-BNB

80%

5%

15%

WEX-USDT

80%

5%

15%

BTCB-BUSD

83.33%

5%

11.6%

ETH-BUSD

83.33%

5%

11.6%

BTCB-USDT

83.33%

5%

11.6%

ETH-USDT

83.33%

5%

11.6%

BTCB-ETH

83.33%

5%

11.6%

BNB-BUSD

83.33%

5%

11.6%

BETH-ETH

90%

5%

5%

USDT-BUSD

90%

5%

5%

TUSD-USDT

90%

5%

5%

WUSD-BUSD

90%

5%

5%

MdexSwap Pools

Mga Pool

Liquidation Threshold

Liquidation Bounty

Tinatayang Halaga na Maibabalik sa Magsasaka (% ng position value at liquidation)

BTCB-USDT

83.33%

5%

11.6%

ETH-USDT

83.33%

5%

11.6%

MDX-BNB

83.33%

5%

11.6%

MDX-BUSD

83.33%

5%

11.6%

BNB-USDT

83.33%

5%

11.6%

BNB-ETH

83.33%

5%

11.6%

BNB-BUSD

83.33%

5%

11.6%

BTCB-ETH

83.33%

5%

11.6%

BNB-BTCB

83.33%

5%

11.6%

USDC-USDT

90%

5%

5%

DAI-USDT

90%

5%

5%

Liquidation ng Tx Records

Maaari mong tingnan ang talaan ng mga liquidated positions na nagdaan sa mga link sa ibaba:

  • Paghiram ng Posisyon sa BNB: here

  • Paghiram ng Posisyon sa BUSD: here

  • Paghiram ng Posisyon sa USDT: here

  • Paghiram ng Posisyon sa TUSD: here

  • Paghiram ng Posisyon sa BTCB: here

  • Paghiram ng Posisyon sa ETH: here

  • Paghiram ng Posisyon sa ALPACA: here

Last updated